laarniellie-at-mayor-erap-copy-copy

ANG bilis dumami ng likes ng ipinost na picture ni Jake Ejercito sa Instagram na kasama ng parents niyang sina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez ang anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie.

Nakahawak si Erap sa braso ni Ellie at nasa likod nila si Laarni at parehong nakangiti ang proud grandparents ni Ellie. Sa unang tingin, aakalaing fake ang picture, pero ang caption ni Jake ay, “Last night was a god night,” ibig sabihin, nangyari ang pagkikita ng apo at grandparents.

Kaya naman pati sina Lorna Tolentino at Patrick Garcia ay nag-like sa picture. Dahil sa picture, nakita ang malaking pagkakahawig ni Ellie kay Laarni lalo na sa ilong, kaya hindi masusubaliang magkadugo ang dalawa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakakalungkot lang na ang comment ni Jaclyn Jose sa IG post ni Jake na magkasama sila ni Ellie at nilagyan niya ng caption na, “I’ll slay all your dragons for you, my princess” ay naging daan para ma-bash uli si Jaclyn.

“She will always a princess before you and will always be. I slayed all the dragons before you. You could have slayed the dragons before this. But you chose not to. You can’t all of the sudden slay. You do not have the tool...”

(Nitz Miralles)