sunshine-copy

SA amin dapat unang magsasalita si Macky Mathay tungkol sa relasyon nila ni Sunshine Cruz. Ibinigay na niya sa amin ang kanyang contact number at tinawagan pa niya kami. 

Pero dahil naging busy kami sa pag-aasikaso sa ginanap na “March of Saints” sa Sto. Niño de Tondo ay hindi na namin siya nabalikan. 

Sabi ng half-brother ni Ara Mina, nitong September 18 naging opisyal ang pagiging magkasintahan nila ni Sunshine. But in fairness, hindi dahil kay Ara kung bakit sila nagkakilala. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Banggit pa ni Macky sa amin, maging sa umpisa pa lang ay naramdaman niyang mahal na niya si Sunshine at hindi niya akalain na mamahalin din siya ng aktres. 

“Matagal ko talagang pinag-iisipan na sabihin sa kanyang ‘I love you’. Kasi since matagal na siyang hindi nagkarelasyon, kumbaga, baka hindi pa talaga siya handa. Makapaghintay pa rin naman ako.”

Hindi raw naman nagmamadali si Macky pero naisipan na niyang sabihin kay Sunshine ang naramdaman niya na hindi na talaga niya maipaghintay.     

“Hindi na rin naman kami mga bata. So, I told her that I love her. And that’s it, after ilang weeks, eh, sinagot na niya ako and that’s September 18,” sey pa ni Macky. 

Samantala, noong nagpaparamdam pa lang si Macky kay Sunshine, at nang lumabas na nga sila at nakunan ng photo na magkahawak-kamay at naging viral ay may mga “off the record” na rin namang binanggit ang huli sa amin.

 

Nang diretsahang naming tanungin si Sunshine kung “sila na” nga, sinagot niya kami kung bakit hindi si Macky ang tinatanong namin. Nakakasama na rin naman kasi namin noon pa si Macky nang maging kaibigan niya na si Konsehala Precious Hipolito.

Ano ang masasabi ngayon ni Sunshine sa pag-amin na ni Macky? 

“Alam mo, sa totoo lang, Kuya Jimi, gusto ko mag-react pero I can’t kasi lawyer’s order. He tried to text and call you and he gave you daw his number. Ikaw ang dapat kausapin niya daw. 

“Admission can’t come from me for now. Kaya nga quite lang ako talaga,” sey pa ni Sunshine. 

Anyway excited pa ring ikinuwento sa amin ni Sunshine na malapit nang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng college diploma.

Sa mga hindi nakakaalam, magtatapos na si Sunshine ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa Arellano University.

(JIMI ESCALA)