Pinarangalan ni Pangulong Duterte ang anim na operatiba ng Joint Task Force (JTF) Sulu nitong Lunes, na kabilang sa mga nasugatan makaraang muling magkasagupa ang militar at ang mga bandidong Abu Sayyaf nitong Linggo.
Walong sundalo ang nasugatan sa nasabing engkuwentro sa Patikul nitong Linggo.
Binisita rin ng Presidente ang 15 iba pang sundalo na naka-confine sa ospital sa Sulu.
Mula sa Davao City, nagtungo sa Jolo ang Pangulo upang makipagpulong sa mga opisyal ng JTF. (Yas D. Ocampo)