Pinaalalahanan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga may-ari ng pribadong kumpanya na ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga manggagawa nang hindi lalagpas sa Disyembre 24.

“Kailangang bayaran ng lahat ng employer ang mga rank-and-file employee ang kanilang 13th month pay, anuman ang uri ng kanilang empleyo at pamamaraan ng pagbabayad ng kanilang sahod, basta sila ay nakapagtrabaho ng hindi bababa sa isang buwan ng kasalukuyang taon,” ani Bello.

Aniya ang pagbabayad ng 13th month pay ay alinsunod sa Labor Code of the Philippines at mga patakaran at regulasyon sa pagpapatupad nito. (Mina Navarro)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco