Nagkasundo ang Star at Mahindra para sa one-on-one deal na kinasangkutan nina Hotshots Alex Mallari at forward Aldrech Ramos nitong Lunes.

Bunsod ng trade, mas nabigyan ng lakas ang Star na lubhang bumigat ang backcourt position matapos makuha sa trade si Paul Lee kapalit ni James Yap sa rain or Shine at pagkuha kay rookie Jio Jalalon sa special draft ng Gilas Cadet.

Ayon sa opisyal na tumanging pangalanan, naisumite na kay PBA Commissioner Chito Narvasa ang naturang trade deal.

Hindi na bago ang 6-foot-6 na si Ramos sa Star dahil nakalaro siya rito noong ang koponan ay kilala pa bilang San Mig Super Coffee. Ibinigay siya ng Barako Bulls na kumuha sa kanya bilang No.5 sa 2012 draft.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tangan ni Ramos ang career high 13.29 puntos at 5.69 rebound.

Makakatuwang si Ramos nina Hotshots 6-foot-4 forward Marc Pingris, 6-foot-8 center Rafi Reavis, 6-foot-5 forward Jake Pascual and 6-foot-7 center Ian Sangalang.

Muli ring magkakasama ni Ramos ang dating coach na si Chito Victolero. Hawak naman ng 6-foot-4 guard/forward na si Mallari ang career average na 5.69 puntos at 2.77 rebound. (WAYLON GALVEZ)