pamilya-nina-sylvia-at-art-copy

NAGBABAKASYON sa Japan ang buong pamilya nina Sylvia Sanchez at Art Atayde minus Arjo Atayde na hindi nakasama dahil nagkataong may championship ang kanilang FPJ’s Ang Probinsyano basketball game.

Sabi ni Sylvia, talagang hindi sumasama ang aktor sa out-of-the country travels nila kapag may commitment lalo na kapag may kinalaman sa trabaho.

Naintindihan siya ng ina dahil ito rin naman ang bilin ni Ibyang sa mga anak na seryosohin ang trabaho.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Oo, bilin ko sa mga anak ko, ‘wag magpabaya sa trabaho nila, kaya wala akong magagawa kapag sinabi ni Arjo na hindi siya makakasama. Actually, si Arjo pa lang naman ang hindi madalas makasama kasi si Ria (Atayde), hindi pa naman ganu’n ka-busy.  

“Siguro kapag na-busy na rin siya, baka dalawa na sila ni Arjo na hindi namin makakasama sa biyahe. Masayang malungkot kasi hindi kumpleto ang mga anak ko sa pag-alis namin, eh, ganu’n talaga,” pahayag ng bida sa seryeng The Greatest Love.

Nag-post na si Sylvia sa social media ng litrato nilang magpapamilya: “Happy morning everyone. Kami pa lang ang tao dito kaya ang sarap lang maglakad at magpa-picture, missing my gwapo ogag @arjoatayde. Family bonding happy, happy lang, happy and contented mommy and wife. #thegreatestlove #grateful #happiness #blessed#priceless #ThankuLORD.”

Bukas, Martes na babalik ng Pilipinas sina Ibyang dahil may taping ulit siya ng The Greatest Love at pasukan na naman ng mga anak niyang sina Xavi at Gela sa Miyerkules, Nobyembre 3.

Samantala may taping din si Ria ng Wansapanataym Presents Holly and Mau kasama sina Elmo Magalona at Janella Salvador under ng Dreamscape Entertainment.

Tuloy ang winning streak ni Ibyang na abut-abot din ang pasasalamat sa lahat ng mga nanonood ng The Greatest Love dahil muling nanguna sa ratings game ang serye niya. Nakakuha ito ng 15.4% kumpara sa katapat na programa sa GMA-7 na nagtala naman ng 13.7%, ayon sa survey data ng Kantar Media. (REGGEE BONOAN)