Warriors Suns Basketball

Spurs, imakulada; Warriors nakalusot sa Suns.

MIAMI (AP) – Maging sa road game, matatag ang kumpiyansa ni Kawhi Leonard.

Ratsada si Leonard sa natipang 25 puntos, habang tumipa ng double-double – 20 puntos at 11 rebound – si Pau Gasol para sandigan ang San Antonio Spurs sa 106-99 panalo kontra Miami Heat nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

Hataw din si Patty Mills sa naiskor na 18 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo ng Spurs – pinakamatikas na simula na wala ang dating franchise player na si Tim Duncan na nagretiro sa pre-season.

Natamo ng Heat ang ikalawang kabiguan sa tatlong laro at 0-2 sa home game matapos lisanin ni star guard Dwayne Wade.

Nanguna sa Heat si Hassan Whiteside sa nakubrang 27 puntos at 15 rebound, habang nagsalansan si Goran Dragic ng 25 puntos.

Nag-ambag sina Justise Winslow ng 18 untos at Tyler Johnson na may 12 puntos.

WARRIORS 106, SUNS 100

Sa Phoenix, naisalba ng Warriors, sa pangunguna ni Kevin Durant na kumana ng 37 puntos, ang matikas na ratsada ng Suns.

Tumipa si two-time MVP Steph Curry ng 28 puntos, tampok ang dalawang free throw sa krusyal na sandali para makopo ang ikalawang sunod na panalo matapos ang nakadidismayang opening game loss sa Spurs.

Nanguna si TJ Warren sa Suns sa natipang 26 puntos, habang kumana si Eric Bledsoe ng 21 puntos.

GRIZZLIES 112, WIZARDS 103 (OT)

Sa Memphis, nagpamalas ng impresibong outside shooting ang seven-footer na si Marc Gasol, kabilang ang dalawang three-pointer sa overtime para gabayan ang Grizzlies kontra Washington Wizards.

Naisalpak ni Gasol ang three-pointer para maitabla ang iskor sa 100 may 15 segundo sa regulation at nasundan ito ng dalawa pa mula sa rainbow area para masiguro ang panalo sa extra period.

Kumubra si Gasol ng 20 puntos at 10 rebound, habang tumipa si Mike Conley ng double-double -- 24 puntos at 11 assist para sa ikalawang panalo sa tatlong laro ng Memphis.

Nanguna sa Wizards si John Wall sa nasalansan na 22 puntos at 13 assist, habang umiskor si Marcin Gortat ng 14 puntos at 12 rebound.

ROCKETS 93, MAVS 92

Sa Houston, naungusan ng Rockets, sa pangunguna ni James Harden na kumana ng 28 puntos, ang Dallas Mavericks.

Nanguna sa Dallas si Wesley Matthews sa naiskor na team-high 25 puntos.