Patay ang isang karpintero makaraan siyang pasukin sa loob ng bahay at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Raul Maximo, 42, taga-Bulacan at pansamantalang nagbabakasyon sa 8th Avenue West Grace Park sa Barangay 59, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo at katawan.

Ayon sa report, dakong 1:00 ng umaga at himbing na natutulog si Maximo sa bahay ng kamag-anak niyang si Aida nang sapilitang pumasok ang lalaking nakasuot ng sombrero at ginising ang lahat ng nasa loob ng bahay, maliban sa biktima, para palabasin ang mga ito.

Makalipas ang ilang segundo, sunud-sunod na putok ng baril ang narinig ng pamilya ni Aida hanggang sa lumabas na ng bahay ang salarin.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Nakuha sa kamay ng biktima ang .38 caliber revolver at dalawang plastic sachet ng shabu, na ang hinala ng mga kaanak ni Maximo ay sadyang inilagay ng suspek matapos ang pamamaril.

Sinabi naman ni Barangay Kagawad Raul Lukban na walang criminal record sa pulisya si Maximo at posibleng napagkamalan lang na tulak ng droga kaya pinatay, lalo dahil nagbabakasyon lang ito sa Caloocan ngayong Undas. (Orly L. Barcala)