Isang matandang binata ang nagbigti matapos na maaburido dahil hindi makahanap ng trabaho sa Navotas City, nitong Linggo ng gabi.

Patay na nang maidating sa Navotas City Hospital si Marvillo Solis, 50, ng Block 24, Lot 93, Phase 2, Area 1, NBBS ng nasabing lungsod.

Sa report ni PO2 Allan Bangayan, dakong 8:30 ng gabi nang nakita ni Paquita Solis, ina ng binata, ang anak na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Kuwento ni Aling Paquita, naaasar daw sa buhay si Marvillo dahil matagal na itong naghahanap ng trabaho, pero hindi matanggap-tanggap.

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

Gayunman, inaalam pa rin ng mga pulis kung may foul play na pagkamatay ng soltero. (Orly L. Barcala)