Pinadalhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bulaklak ang puntod ni dating Pangulong Corazon ‘Cory’ Aquino at asawa nitong si dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, bilang respeto sa All Saints’ Day.

Nilagyan ng blue at red ribbon, ang bulaklak na ipinadala ng Pangulo ay nakahilera sa mga bulaklak na dinala rin ng mga tagasuporta ng dalawang icon ng Philippine democracy.

Samantala kuntento si Duterte sa seguridad na inihanda ng security forces ngayong Undas.

“According to the OP (Office of the President), yes he is satisfied,” ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella sa kanyang text message sa mga mamamahayag.

National

#WalangPasok: Mga lugar na nagsuspinde ng klase ngayong Biyernes, Sept 13

Ipinakalat na ang pulis at militar para siguruhin ang “clean, orderly and crime-free” All Saints’ Day.

Sa kasalukuyan, umaabot sa 9,533 pulis ang itinalaga sa airports, seaports, bus terminals at mga sementeryo.

(Martin A. Sadongdong at Genalyn D. Kabiling)