ROSARIO, Batangas - Kapwa namatay ang dalawang katao na sinasabing sangkot sa bentahan ng ilegal na droga matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Rosario, Batangas.
Kinilala ang mga biktimang sina Maximo Lainez, 45; at Maryan Ballelos, kapwa taga-Barangay Pagulingin, Lipa City.
Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:30 ng umaga at sakay sa Toyota FX (THR-802) ang mga biktima nang pagbabarilin sa Bgy. Sta Cruz, Rosario.
Patungo sana sa Padre Garcia ang dalawa, na kapwa dead on arrival sa MVM Hospital. (Lyka Manalo)