Tuloy pa rin ang pampamilyang kasiyahan sa inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke PLAY ‘N LEARN program bago ang paggunita sa Undas.

Marami sa mga nakilaro’t-saya sa Quezon City Memorial Circle nitong Sabado at maging sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan at sa dinarayong Luneta Park sa Maynila kung saan nagsuot pa ng iba’t-ibang Halloween costumes bilang mga kalahok.

Umabot sa kabuuang 347 katao ang nakisali sa Quezon City Memorial Circle kung saan nagpartisipa ang 291 sa Zumba, anim sa badminton, 20 sa chess, 13 sa football, siyam sa volleyball at walo sa senior citizen.

Kabuuang 867 naman sa sumali sa Laro’t-Saya sa Luneta saan sa arnis (30), badminton (83), chess (70), football (75), karatedo (13), lawn tennis (28), volleyball (89), senior citizens (7), sepak takraw (3) at Zumba (473).

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Umabot din sa 413 katao ang sumali sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan saan sa arnis (22), badminton (68), football (20), taekwondo (8), volleyball (44), senior citizen (11) at Zumba (44). (Angie Oredo)