kim-copy-copy

SUMASAMA ang loob ni Kim Chiu dahil sa pamba-bash ng KimXi, ang grupo ng sarili nilang fans ni Xian Lim.

Nag-umpisang makatanggap ng online bashing ang chinita actress galing mismo sa kanilang mga tagasuporta nang tanggapin niya ang reunion project nila ng ex-boyfriend at dating ka-love team niya na si Gerald Anderson, sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Feeling ng KimXi fans, ang pagtatambal nina Kim at Gerald sa bagong serye ng Dreamscape ay magiging hudyat na rin ng pagbabalikan ng dalawa. Baka nga raw mapag-iwanan si Xian kapag umere na ang serye at mag-click muli ang dalawa.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Sa isang panayam namin sa isang Kapamilya executive na malapit sa aktres aniya, “selfish” ang KimXi fans. Aniya, hindi porke’t tinanggap ni Kim ang reunion project nila ni Gerald, tatalikuran na ng aktres ang love team nila ni Xian.

“It’s a Dreamscape project at alam mo naman ‘pag galing sa kanila ang offer, ibig sabihin napakalaking project ito na hindi basta-basta puwedeng iitsa-puwera ng isang artista,” sey sa amin.

“Besides, sa pagtanggap ni Kim sa project where she’s being paired with her ex, it doesn’t mean na magiging sila ulit. Kim is matured enough at alam niya ang consequences ng isa pang pagkakamali kung tutuusin. She’s moving on, ang mga KimXi lang ang hindi maka-move-on, napaka-selfish ng KimXi, sarili lang nila ang kanilang interes,” matapang na pahayag ng ABS-CBN exec.

So, insecure pa rin hanggang sa ngayon ang KimXi supporters sa Kimerald? (ADOR SALUTA)