ROME, Italy (Reuters) – Isang malakas na 6.6 magnitude na lindol ang tumama sa central Italy nitong Linggo. Gumuho ang maraming gusali at mga lumang simbahan sa mga lungsod at bayan na nitong mga nakalipas na linggo ay nilindol rin.

Ito ang pinakamalakas na lindol simula noong Agosto 24 kung kailan halos 300 katao ang nasawi.

Ipinakita sa live television coverage ang pagguho ng Basilica of St. Benedict at ng town hall sa bayan ng Norcia, malapit sa Perugia sa Umbria.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa