xian-lim-copy

ILANG buwan na rin ang nakakaraan nang ihayag ni Xian Lim ang posibilidad na pakikipagtambal ng kanyang rumored girlfriend na si Kim Chiu sa ibang aktor, kahit pa sa ex-boyfriend nito na si Gerald Anderson. Same way, posible rin siyang i-partner sa ibang aktres para sa ikabubuti ng kanilang career.

Nagkatotoo na nga, dahil nitong Lunes, in-announce sa isang presscon ang project na pagsasamahan nina Kim at Gerald, ang seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin under Dreamscape Entertainment. 

Masaya si Xian sa muling pagtatambal ng dalawa, ibig sabihi’y naka-move-on na sila pareho. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“You know I’ve been very happy for Kim because you know, she has a lot of projects,” maikling bungad ng binata.

Pero umaasa si Xian na hindi bibitaw ang solid KimXi supporters kahit hindi sila ang magkasama sa project.

“I’m sure, sabi ko nga sa mga previous interview ko, hindi naman kami pababayaan. We will be giving the best quality shows and quality stories. Para sa kanila lahat ito, sa lahat ng audience namin,” sey ni Xian.

For his part, Xian is set to star in a film opposite Coleen Garcia na ididirek ni Jason Paul Laxamana na siya patuloy pa ring kumikita ang unang pelikula nito sa Star Cinema, ang The Third Party.

Ang nasabing pelikula ay pangatlo na ni Xian without his perennial love team partner. Ang una ay ang The Reunion noong 2012 at ang pangalawa ay ang Everything About Her.

“It’s a learning experience for me kasi we learn a lot from working with other people. It’s also exciting on my part na makatrabaho ng ibang leading lady because we’re going to be offering something new, the chemistry’s going to be something new. Lahat bago,” paniniwala ni Xian. (ADOR SALUTA)