Naitala ng season host University of Santo Tomas ang perpektong kampanya para tuldukan ang tatlong taong pagkauhaw sa kampeonato sa men’s division habang napalawig ng De La Salle ang dominasyon sa women’s division sa pagtatapos ng UAAP Season 79 table tennis tournament kamakailan sa Blue Eagle Gym.

Nagawang walisin ng Growling Tigers ang best-of-three finals series kontra Green Archers sa pamamagitan ng dalawang sunod na 3-0 panalo upang makamit ang kanilang league-best 26 titulo sa men’s division Tinanghal na MVP si Norielle Pantoja.

Napigil din ng UST ang matinding run na itinala ng La Salle upang umabot ng Finals kung saan dumaan sila at naipanalo ang limang do-or-die game.

Naging konsolasyon para sa De La Salle ang pagwawagi ni Nathan Siasico ang Rookie of the Year honor.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Nakopo ng Lady Archers ang ikatlong sunod na titulo sa kabila nang hindi paglalaro ni Olympian Ian Lariba.

Ibinigay ni Chantal Alberto ang panalo sa Lady Archers matapos niyang talunin si Niña Nacasabog 11-3, 4-11, 6-11, 11-3, 12-10 sa deciding singles.

Tinanghal na Season MVP si Emy Rose Dael ng La Salle. (Marivic Awitan)