maja-back-copy

ANG pagkaka-link kay Gerald Anderson ang common factor sa dalawa nating magagandang aktres na sina Kim Chiu at Maja Salvador. Unang naging girlfriend si Kim ni Gerald na kalaunan ay napunta naman kay Maja. Iniyakan ni Kim ang pangyayari. Feeling ni Kim “inagawan” at hindi pinahalagahan ni Maja ang pagiging magkakampi nila noong iwanan siya ni Gerald.

But that was six years ago, at sabi nga’y time heals all wounds, at aminado naman sina Kim at Maja na moving on na sila after their romance with Gerald.

Isang senyales ng moving on for Kim at Gerald ang pagsang-ayon nila na magkasama uli sa trabaho, sa bagong serye ng Kapamilya na IKaw Lang Ang Iibigin. Kaya sa huling panayam kay Maja, hindi naiwasang itanong sa kanya kung may posibilidad din ba siyang tumanggap ng project na kasama ang dalawa (Kim o Gerald)? 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Very relevant ang tanong kasi nga’y ini-announce na ng Dreamscape Entertainment ang isang seryeng pagsasamahan nina Kim at Gerald.

Game ba si Maja na makatrabaho ang dalawa?

“’Yun po kung maganda po ang story, why not? Lagi naman po natin sinasabi na ang trabaho ay trabaho at ang liit lang ng mundo namin. Kahit mga ayaw namin makatrabaho o ang makakasama namin, ‘yung mga hindi pa namin dapat makatrabaho, makakatrabaho din namin. Hayun, ang dami p’wede mangyari sa industriya natin at ang gusto lang naman natin ang makagawa ng proyekto para makapagpasaya ng mga tao,” sagot ni Maja.

Sa mga show lalo na sa ASAP at ilang events na nagkikitakita sina Maja, Kim o Gerald, parang walang nangyaring isyu.

Sa tagal na ng panahon, mukhang nag-grow na ang bawat isa at mas mature na ang pananaw nila sa buhay ngayon.

“Ako, masaya ako kasi ang saya tingnan ng lahat. Lahat kasi nag-grow, parang lahat nag-heal na, lalo na para kay Kim, na nakikita natin ang lahat ng sakit na pinagdaanan niya. But now she’s a woman na and accepting lahat ng challenges at wala na siyang pakialam kung may mag-bash sa kanya or what, napaka-professional niya. And I’m very happy kung anong klaseng babae na siya ngayon, sobrang strong niya at paganda siya nang paganda,” depensa ni Maja kay Kim.

(ADOR SALUTA)