kim-at-gerald-copy

BUHAY na buhay pa rin pala ang Kimerald fans, katunayan habang isinasagawa ang announcement ng pagbabalik-tambalan nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa bagong soap drama ng Dreamscape Entertainment na Ikaw Lang Ang Iibigin ay number one sa trending sa Twitter ang mga litratong ipinost ng press na #KimeraldIsBack.

Nakakagulat na hindi bumitaw ang Kimerald fans kahit pitong taon nang hindi nagkatrabaho sina Kimmy at Gerald. Hoping pa rin sila na muling magtatambal ang dalawa, na nagkatotoo nga.

Pero mas marami siyempre ang hindi nag-akala na muli pang mabubuo ang Kimerald love team.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Siyempre thankful pa rin kami dahil nandiyan pa rin sila (fans),” reaksiyon ni Gerald sa pagti-trending nila.

“That’s why we’re doing this and that’s why iba rin ‘yung motivation na talagang I’m gonna give my 110% sa project na ito dahil kung hindi rin dahil sa kanila, wala rin kami rito.

“Sobrang thankful ako sa ten-year career ko and there’s so many things I wanna do pa and this is one in my bucket list kasi I wanted them to feel special na talagang nandiyan sila nu’ng wala pa kaming alam sa buhay. At sabi ko nga, iba ang motivation namin sa project na ito.”

Sabi naman ni Kim, “Nakakagulat kasi nu’ng naging love team kami hindi naman uso ‘yang trending-trending na ‘yan, Pinoy Exchange lang kami (tumitingin), sa Friendster, so nagsisimula pa lang ang Facebook nandoon pa lang kami, pausbong pa lang kami. So, parang it’s something new to look forward from this day on, and ‘yun nga, ‘yung reaksiyon ng mga tao hindi ko alam, kasi ngayon, in your face puwede na nilang sabihin sa social media kung ano ang reaksiyon nila, so parang we’re happy na excited sila and were happy na ito na ‘yun. Sana mas marami pa silang i-look forward in the next few days.”

Pero siyempre, hindi gusto ng KimXi (Kim-Xian Lim) supporters ang balik-tambalan ng Kimerald.

“Parang ‘wag na lang gawan ng isyu,” sey ni Kimmy. “Kasi kami po ni Xian ay nagkakaintindihan po kami at nag-usap po kami na trabaho lang po ito and meron naman din siyang trabaho, ‘yun nga (pelikula) with Coleen (Garcia), ‘tapos meron po akong ito (serye).

“Wala naman po kaming isyu, malawak po ang pagkakaintindihan naming dalawa ni Xian, and sana ganu’n din po ‘yung KimXi fans dahil for six years kaming magka-love team ni Xian, parang utang namin sa kanila (KimXi) kung anuman po ‘yung achievements na nakuha po namin and then ‘yung mga awards po namin together and masaya po kami sa suporta ng KimXi siyempre. And hinihiling namin, na sana suportahan din kami individually ngayon.”

Papayag ba si Kim na magkaroon ng kissing scene with Gerald?

“Okey lang po kasi work naman po ito and then iba naman ‘yung trabaho sa personal na buhay, masaya na po ako.”

Samantala, si Sir Deo Endrinal, business unit head ng Dreamscape, ang nakaisip na muling pagsamahin sa serye sina Gerald at Kim.

Kuwento ng creative head ng Dreamscape na si Rondel Lindayag, “Actually sa ASAP sa New York, nakasama po si Sir Deo roon at napanood niya sa production number na sina Kim at Gerald na Boom Panes ‘tapos pagbalik ni Sir Deo, sinabi niya na, ‘what if gawa tayo ng comeback nina Kim at Gerald, ‘tapos pina-explore na ‘yung options kasi for a time hindi natin (expected) na kasi nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay. ‘Tapos hindi pa rin nawawala ‘yung chemistry, kaya ang ganda.”

Hindi ba nagdalawang-isip sina Kim at Gerald nang i-offer sa kanila ang proyekto?

“Ako po, siyempre ‘pag umoo po ako at humindi, meron naman ding iba’t ibang reaksiyon sa dalawang desisyon ko na ‘yun and siguro po it’s about time na rin. Ang luma na ng isyu,” sabi ni Kim.

“Nu’ng panahon namin ni Gerald, walang Twitter, Instagram, walang social media nu’ng magka-love team kami. Kaya kinakabahan po ako kung ano ang magiging reaksiyon ng tao. Siyempre and I’m challenged to face kung anuman ang sasabihin nila.”

Kuwento naman ni Gerald, “Actually, nauna ako talaga sa project na ito nu’ng nalaman ko na may element na triathlon kasi nagti-training naman talaga ako. ‘Tapos nang malaman kong si Kim ang leading lady ko, hindi na excitement ‘yung naramdaman ko, siguro very thankful. Actually, as to speak, hindi ko alam ang sasabihin ko kasi this is a very special moment for me, the last time na nakatabi ko siya sa ganitong event siguro 21 years old ako (27 na ngayon ang aktor).”

Marami na nga kasi ang nag-isip na imposible nang magkasama uli sa trabaho ang Kimerald.

“Ako naman, lagi naman optimistic kasi sabay naman kaming nagsimula, mga fans na sumuporta sa amin laging nandiyan at with her new fans, alam ko namang this is gonna big something for her also kasi nakita ko ang dedication niya sa trabaho.

“Matagal ko na ring gustong makasama si Kim at imposibleng hindi kami magkakasama ulit kasi nag-start kami sa reality show at ten years after, nandito pa rin kami.”

Isa si Mr. M (Johnny Manahan) sa nag-push kay Kim na tanggapin ang project.

“Sabi ni Mr. M, bakit hindi ko raw tanggapin ‘yung project kasi challenge raw ito sa akin since hindi na ako teenager, hindi na pa-tweetums, pa-cute,” sabi ng dalaga.

Makakasama nina Kim at Gerald sa Ikaw Lang Ang Iibigin sina Jake Cuenca, Bing Loyzaga, Coleen Garcia, Nicco Manalo, Ms. Helen Gamboa-Sotto at iba pa mula sa direksiyon ni Dan Villegas.

Ngayong araw ang first taping day nila. (REGGEE BONOAN)