DAGUPAN CITY, Pangasinan – Inaresto nitong Lunes ang isang barangay chairman ng bayan ng Malasiqui dahil sa pagbebenta umano ng droga sa mga kalapit na barangay.

Sa ulat kahapon ni Police Regional Office (PRO)-1 Director Supt. Jeoffrey C. Tacio kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro S. Lapeña, dinakip ng mga awtoridad sa Barangay Bolaoit sa Malasiqui si Boyet G. Geronimo, 35, alyas Bagets, chairman ng Bgy. Potiocan sa nasabing bayan.

Simula nitong Hulyo, si Geronimo ang ikatlong barangay chairman sa rehiyon na naaresto sa pagkakasangkot sa droga, kasunod nina Roger Sibayan, ng Bgy. Rissing, Luna, La Union; at Al Aguibay, ng Bgy. Virvira, Carasi, Ilocos Norte, samantalang napatay naman sa buy-bust si Lamberto Villa, ng Bgy. Tayambani, San Carlos City, Pangasinan.

(Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol