Pormalidad na lamang para sa pag-usad sa semifinal ang kapwa itatala ng Bureau of Customs at Balipure sa pagsalang sa magkahiwalay na duwelo sa Shakey's V League Reinforced Conference ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kapwa magtatangka ang Transformers at Water Defenders na makamit ang ikaapat na panalo sa pagsalang laban sa Coast Guard ganap na 4:00 ng hapon at Laoag ganap na 6:00 ng gabi, ayon sa pagkakasunod.

Nabigyan ng libreng tiket papasok ng semifinals ang Customs (3-2) at Balipure (3-1) nang matalo ang Air Force sa University of the Philippines noong nakaraang Lunes na tumapos sa posibilidad na makahabol pa ang Jet Spikers sa huling Final Four berth.

Tatangkain ng Coast Guard na makabangon mula sa natamong kabiguan sa kamay ng Pocari Sweat sa nakaraang huli nilang laban habang target naman ng Balipure ang ikaapat na sunod na tagumpay makaraang mabigo sa una nilang laban sa kamay ng semifinalist University of Santo Tomas.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Mauuna rito, patatatagin ng unang semifinalist Jet Spikers ang kanilang kapit sa liderato sa pagpuntirya ng ikaapat na sunod na panalo sa pagpapatuloy ng Spikers Turf Reinforced Conference. (Marivic Awitan)