TARLAC CITY - Dalawa sa tatlong kabataan ang nasa kustodiya ngayon ng theft, robbery and homicide section ng Tarlac City Police matapos nila umanong bugbugin at holdapin ang isang 23-anyos na lalaki sa F. Tanedo Street sa Tarlac City, nitong Lunes ng madaling araw.

Ang binugbog at hinoldap ay kinilala ni SPO1 Roberto Bautista, Jr. na si Jon Jaspher Manaloto, may asawa, ng Barangay Salapungan, na natangayan ng maliit na supot na naglalaman ng P5,000 halaga ng Samsung cell phone, ATM card, P200 cash at ilang dokumento.

Naghihintay ng masasakyang tricycle si Manaloto sa F. Tanedo Street nang lapitan siya nina Patrick Gonzales, 18; Khrizon De Leon, 18; at Miko Gatchalian, nasa hustong gulang, pawang taga-Bgy. San Nicolas, at biglang pinagsusuntok sa tiyan.

Naaresto sa follow-up operation sina Gonzales at De Leon, habang nakatakas naman si Gatchalian. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog