rocco-at-lovi-copyDEDMA na si Rocco Nacino sa ex-girlfriend na si Lovi Poe pagkatapos ng break-up nila. In-unfollow niya ito sa Instagram, kaya wala na siyang balita tungkol dito pati na sa sinasabing bagong pag-ibig ni Lovi na si Chris Johnson na isang Fil-French.

“Hindi ko nakikita ang photos nila kasi I don’t follow her anymore, para saan pa? This early pa lang alam ko na ‘di siya para sa akin.Ni re-assess ko lahat at mas okay ako ngayon, masaya ako, mas maraming blessings. True, hindi pa kami nag-uusap ni Lovi and there is no reason para mag-usap pa kami,” sabi ni Rocco.

Lumalabas na si Lovi ang nakipag-break kay Rocco sa sinabi ng aktor na nagulat siya nang makipagkalas ito sa kanya.

“Kung mahal mo ang isang tao, it’s better to let her go. Alam ko, there was no third party. It was more about us being ready. Aminado ako ito ang pinakamasakit kong break-up. But I’m okay na, nakapag-move on na ako,” dagdag ni Rocco.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakatulong kay Rocco para madaling makapag-move on ang Encantadia  dahil dito naka-focus ang isip at oras niya. How to make his Aquil character believable at isama pa ang training niya sa arnis at martial arts, wala siyang time magmukmok.

Samantala, nag-renew ng kontrata sa GMA-7 si Rocco and for another three years, kaya Kapuso pa rin siya. Looking forward siya sa more projects na ibibigay sa kanya ng network, kahit katambal si Lovi o si Sanya Lopez na love interest niya sa Encantadia.

Kagagaling lang nila nina Sanya, Migo Adecer at Klea Pineda sa Masskara Festival sa Bacolod at mainit silang tinanggap ng fans doon. Pati sa Bacolod, kinikilig ang fans sa kanila ni Sanya. --Nitz Miralles