Mga Laro Ngayon (Philsports Arena)

12:30 n.h. – Cignal vs Army

4 n.h. – Laoag vs Pocari

6 n.g.– Air Force vs UP

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Makalapit patungo sa asam na semifinals berth ang tatangkain ng reigning Open Conference champion Pocari Sweat sa kanilang pagtutuos kontra Laoag sa unang laro ngayon ng Shakey’s V-League Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Kasalo sa kasalukuyan sa ikalawang posisyon ng Balipure hawak ang barahang 3-1, sasagupain ng Lady Warriors ang Power Smashers sa 4:00 ng hapon.

Nakamit ng tropa ni coach Rommel Abella ang ikatlong dikit na panalo makaraang gapiin ang Bureau of Customs na pinamumunuan ni Alyssa Valdez nitong Sabado ng gabi,25-22, 25-22, 25-14.

Sa panig ng Laoag, kinakailangan nitong makabangon mula sa natamong dalawang sunod na pagkabigo sa kamay ng Univeristy of the Philippines at semifinalist University of Santo Tomas upang panatilihing buhay ang tsansa sa Final Four.

Sa tampok na laban, kapwa naghahabol din sa huling semifinals slot ang Jet Spikers at Lady Maroons sa kanilang pagtutuos ganap na 6:00 ng gabi.

Mauuna rito, makaangat sa solong ikalawang puwesto ang puntirya ng Cignal sa kanilang pagtutuos ng Philippine Army sa nag-iisang laro sa Spikers Turf Reinforced Conference. - Marivic Awitan