Sa kulungan namatay ang isang preso na ipinakulong umano ng sarili niyang asawa dahil umano sa pambubugbog sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang datnan ng kapwa niya bilanggo si Danilo Dellosa, 48, tricycle driver, ng 91 J Mahomas Compound, Tondo, Maynila, dakong 4:50 ng madaling araw.

Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), humingi umano ng tulong si Robert Sanchez, bilanggo, kay PO2 Romeo Ricalde, duty desk officer ng MPD-Station 7, dahil tila hindi na humihinga si Dellosa.

Kaagad umanong isinugod ng mga pulis sa Ospital ng Tondo ang biktima ngunit huli na ang lahat dahil patay na ito.

Metro

Mandaluyong, nakamit ang 100% rating sa child-friendly local governance audit

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ni Dellosa.

Nadiskubreng nito lamang Oktubre 9 ikinulong si Dellosa matapos ireklamo ng pananakit ng kanyang asawa o paglabag sa Republic Act 9262. (MARY ANN SANTIAGO)