NAKAKUWENTUHAN namin ang isang kaibigan naming mambabatas, ibinalita niya sa amin na pinag-uusapan nila ng mga kasamahan niyang congressman ang isang sexy star na pa-booking na pala ngayon. Kuwento niya sa amin, isanama raw ng isang congressman ang sexy star sa ibang bansa nang ipakilala ito ng isang talent scout na may konek sa showbiz.
Dahil medyo may edad na ang nasabing mambabatas ay hanggang pagsama-sama lang sa pamamasyal at pagsa-shopping ang nangyari sa ibang bansa.
At kahit may pagkakataon rin daw naman na magkatabi ang dalawa sa kama ay wala raw namang kaganapan. Kaya siyempre, may ngiting umuwi sa Pilipinas ang isinamang sexy star dahil bukod sa shopping galore at may pera pang iniabot sa kanya ang congressman.
Pero iba naman daw ang ganap nang isinama naman ng isa pang congressman ang nasabi ring sexy star. May asawa na, medyo brusko at may taglay pa rin namang kagandahang lalaki si Congressman 2 kaya napapayag si Sexy Star kahit wala pang usapan kung magkano ang “talent fee” na tatanggapin niya, huh! “Hindi umubra ang pagiging bilmoko ni _______ kay Cong. ______ kasi medyo maulan sa pinuntahan nila at nagkulong na lang ang dalawa sa hotel.
At siyempre, alam n’yo na ang kaganapan,” sey ng kaibigan naming mambabatas. Kaya nang umuwi na raw ang dalawa pabalik sa Pilipinas ay walang dalang napamili si Sexy Star. At nang mag-emote na raw ito ng kadatungan ay napailing na lang daw ang sexy star sa iniabot sa kanya ng mambabatas. “Naisahan siya ni Cong,” napatawang kuwento ng source namin. (Jimi Escala)