UniGames, nanawagan sa patas na eleksiyon sa POC.

Dumarami na ang naghahangad ng matinding pagbabago para sa Philippine Olympic Committee (POC).

Ito ay matapos manawagan ang isa sa pinakamalaking pangkolehiyong kompetisyon sa bansa na Philippine University Games o mas kilala bilang UNIGAMES para sa nararapat na patas at demokratikong eleksiyon sa pribado na organisasyon sa sports sa bansa na magaganap sa Nobyembre 25.

Napag-alaman kay dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Aparicio Mequi sa ipinamahagi nitong text message ang panawagan bago magbukas ang ika-21 taon ng University Games (UNIGAMES) na gagawin muli sa City of Dumaguete sa probinsiya ng Negros Oriental.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

“Please call your friends in media to support UniGames call for free, open, fair and democratic election so that any sportsman may run. This is the only way we can have change in RP sports. We need media support. Let’s join hands for change in Philippine Sports Now,” sabi ni Mequi.

Ang opisyal naman na UniGames message ay UniGames 2016 supports a free and fair POC election towards a genuine and realistic sports development program in the Philippines,” sabi pa nito sa text.

Ito ang unang pagkakataon na ang isang institusyon na binubuo ng 38 unibersidad na nasa parte ng Visayas ay manawagan para sa pagbabago sa liderato sa sports sa bansa.

Una nang nagpahayag ng kanyang kandidatura ang pangulo ng Alliance of Boxing Associations in the Philippines (ABAP) na si Ricky Vargas upang labanan ang nagnanais sa kanyang ikaapat na sunod na termino na incumbent POC chief na si Jose “Peping” Cojuangco. Nakatakdang isumite ni Vargas ang kanyang kandidatura bukas, Lunes, matapos na makuha ang suporta ng halos kalahati sa mga voting member na mga national sports associations (NSAs).

Matatandaan na nagpahayag din ng kanyang pagnanais tumakbo sa posisyon ang pangulo ng Philippine Football Federation (PFF) na si Mariano “Nonong” Araneta bago na lamang nangako ng kanyang pagbibigay ng buong suporta sa kandidatura ni Vargas.

“I won’t file anymore. I will my full support to Mr. Ricky Vargas for POC president,” ayon kay Araneta.

Maliban sa boxing, inaasahang magbibigay din ng buong suporta ang mga tinutulungang asosasyon ng grupo ni Vargas na mula sa MVP Group .

Maliban sa pangulo, paglalabanan din ang iba pang posisyon na chairman, first vice president, second vice president, treasurer at auditor. Ang POC president ang may karapatang pumili ng kanyang secretary-general. (Angie Oredo)