GAPAN CITY, Nueva Ecija - Labindalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang konsehal at kasamahan nito makaraan silang tambangan ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Purok 4, Barangay Mangino sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Manuel Estareja Cornel nakilala ang mga biktimang sina City Councilor Sonny San Jose, 40, may asawa, negosyante; at Antonio Punzal, 49, alyas “Boyong”, kapwa taga-Bgy. Sto. Cristo Norte.

Nabatid na dakong 1:30 ng hapon at kararating lang ng mga biktima sa bakuran ni Ruel Francisco nang biglang pumasok kasunod nila ang mga suspek at niratrat ang mga biktima.

Ipinag-utos na si City Mayor Emerson Pascual ang pagsisiyasat sa krimen para alamin ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?