Sugatan ang isang basurero makaraang barilin ng isang lalaki na nagtangka umanong mang-agaw ng ipinagbibili niyang cell phone sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Cesar de Guzman, 32, binata, basurero, at residente ng Building 25, Aroma Compound, Tondo, Maynila, habang tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na “Otoy”.

Sa ulat ni Police Supt. Redentor Ulsano, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1, nangyari ang pamamaril dakong 9:00 ng umaga kamakalawa.

Sa imbestigasyon ni PO3 Ricky Reloj, bago mangyari ang pamamaril ay inutusan umano ni De Guzman ang kanyang kapatid na si Renato upang ipagbili ang kanyang cell phone sa halagang P400 upang may pambili ng pagkain.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Gayunman, habang naghahanap ng buyer si Renato ay bigla na lang umanong inagaw sa kanya ni Otoy ang cell phone at walang planong bayaran.

Nabawi lamang ng magkapatid na De Guzman ang cell phone nang pagtulungan nilang kulitin ang suspek.

Kinabukasan, nagulat na lamang umano si Cesar nang paglabas niya ng bahay upang bumili sana ng pagkain ay inaabangan na siya ng suspek at binaril sa kaliwang braso. (Mary Ann Santiago)