SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Pinaniniwalaang hindi kinaya ng isang 24-anyos na tricycle driver ang pang-aaway ng kanyang ka-live-in dahil sa pagiging alcoholic umano niya kaya nagawa niyang magpatiwakal nitong Miyerkules ng gabi sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Supt. Reynaldo Dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, nagbigti at hindi na umabot nang buhay sa ospital si Junald Estrada Pedro, ng Sitio Bliss, Barangay Malasin sa lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Joel Beltejar, dakong 6:30 ng gabi nang magtalo sina Pedro at Rudelyn Terte Dumale dahil sa pagbaba ng kita ng una sa pamamasada ng tricycle dahil sa madalas na paglalasing nito. (Light A. Nolasco)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder