HONG KONG (AFP) – Walang tao sa karaniwan nang abalang mga lansangan ng Hong Kong nitong Biyernes bilang paghahanda sa pagdating ng bagyong ‘Haima’, na pumatay ng 12 katao sa Pilipinas.

Kanselado ang mga biyahe ng eroplano, walang naglayag sa dagat, limitado ang biyahe ang tren, sarado ang mga paaralan at opisina habang pinakikiramdaman ang nagbabantang bagyo sa timog silangan ng lungsod. Ipinagpaliban din ang trading sa stock exchange.

Dakong 11:00 a.m. (0300 GMT) kahapon, ang sentrro ng ‘Haima’ ay nasa layong 130 kilometro at inasahang dadaanan ang lungsod sa tanghali bago tutumbukin ang katimugan ng mainland China.

Naglabas ang Hong Kong Observatory ng Number 8 storm signal kahapon ng umaga – ang ikatlong pinakamataas na antas ng babala – dahil sa inaasahang malakas na ulan at hangin.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na