Bilang paghahanda, dapat makinig ng balita sa pahayagan, radyo at telebisyon para malaman ang mga update tungkol sa bagyo.
Kung nasa mababang lugar, tiyakin ang paglikas sa mas ligtas at mataas na lugar.
Maging mahinahon at ihanda ang pangunahing kailangan tulad ng pagkain, tubig, first aid kit, flashlight, at radyong de-baterya.
Bago lumikas ng bahay, tiyakin sarado ang bintana, pintuan ng bahay at ibaba ang main switch ng kuryente ng bahay.
Kung nagbabadya ang pagbaha, ilagay sa matataas na lugar ang mga kagamitan. Isilong ang mga alagang hayop at mag-imbak ng sapat na malinis na tubig.
Sa paghingi ng saklolo, maaaring gamiting ang hashtag na #RescuePH para matugunan ng tulong sa kasagsagan ng emergency at natural na kalamidad. (Hango sa pagasa.dost.gov.ph)