Inihayag ni Pambansang Kamao at tubong General Santos, South Cotabato, na si ex-Sen. Manny Pacquiao ang kaniyang pakikisimpatya para sa mga naging biktima ng malakas na lindol sa Mindanao noong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Matatandaang nauna nang nagpaabot ng suporta at pagtindig ang Manny Pacquiao Foundation para sa mga komunidad na naapektuhan ng naturang lindol lindol sa Sarangani at karatig-lalawigan nito noon ding Lunes.
KAUGNAY NA BALITA: Manny Pacquiao Foundation sa naapektuhan ng Sarangani earthquake: 'We stand with you’
Sa naging pahayag naman ni Pacquiao nitong Miyerkules, Hunyo 10, sinabi niyang kasalukuyan daw siyang nasa United States (US) ngunit masugid daw siyang nakamasid sa sitwasyon ng kaniyang mga kababayan sa Mindanao.
Aniya, nakikipag-ugnayan na raw siya sa kanilang mga grupo na nasa pinangyarihan na ng trahedya upang siguraduhing makakarating ang kaniyang tulong sa mga nangangailangan.
“Though I am currently here in the United States fulfilling prior commitments, I am monitoring the situation closely and coordinating with our teams on the ground to ensure that help reaches those who need it most as quickly as possible,” ‘ika niya.
Anang Pambansang Kamano, hindi raw nag-iisa ang kaniyang mga kababayan at haharapin daw nila ang hamon ng naturang trahedya nang magkakasama upang muling bumangon.
“You are not alone in this. We will face this challenge together and rebuild as one,” ‘saad niya.
Pagpapatuloy ni Pacquiao, pinabibilis na rin daw niya ang pag-aasikaso ng kaniyang pag-uwi upang personal na tumindig, makinig, at tumulong sa mga kababayan niya sa Mindanao.
“I am working to expedite my return so that I can be there in person to stand with you, listen to your needs, and personally help in our recovery efforts,” pagtitiyak pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, ipinahayag sa publiko ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na aabot na sa 45 na mga indibidwal ang nasawi, 17 ang nawawala, at 487 naman ang nasaktan sanhi ng yumanig na lindol.
KAUGNAY NA BALITA: GenSan, nasa ilalim na ng state of calamity