July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Manny Pacquiao Foundation sa naapektuhan ng Sarangani earthquake: 'We stand with you’

Manny Pacquiao Foundation sa naapektuhan ng Sarangani earthquake: 'We stand with you’
Photo courtesy: Manny Pacquiao Foundation/FB, MB


Nagpaabot ang Manny Pacquiao Foundation ng suporta at pagtindig para sa mga residente at komunidad na naapektuhan ng malagim at kagimbal-gimbal na magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani at karatig-lalawigan nito noong Lunes, Hunyo 8.

Sa isang pahayag na ibinahagi ng organisasyon sa kanilang Facebook page nitong Martes, Hunyo 9, nanindigan sila sa pagbabahagi ng tulong, pag-asa, at paghilom para sa mga apektado ng naturang insidente.

“Today, my heart breaks for the people of my hometown General Santos City and all of Mindanao, Philippines. This devastating earthquake has taken lives, destroyed homes, and shaken a community that has given me everything,” saad ng Manny Pacquiao Foundation.

Anila, “Through the Manny Pacquiao Foundation, we stand with you to bring help, hope, and healing to those who need it most.”

Nagpasalamat din ang organisasyon sa mga rumeresponde sa nangyari—na tinawag pa nilang bayani—upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!



“To our first responders and rescue teams — you are heroes. God bless and protect you,” anang organisasyon.

“To the people of the Philippines — We love you and will rise from this together,” pagtatapos ng Manny Pacquiao Foundation.

Ang Manny Pacquiao Foundation ay isang nonprofit organization na layong lumaban para sa mga “less fortunate” at magbahagi ng pag-asa saan mang panig ng daigdig.