Tumalon mula sa bintana ng hotel ang isang Psychology graduate matapos umanong hindi makapasa sa board exam sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Ayon kay Police Supt. Albert Barot, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dead on arrival sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si Joanna Gaytano, 23, dalaga, ng 160 Guzman Street, Quiapo, Maynila dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Lester Evangelista, ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 1:40 ng hapon nangyari ang insidente, sa ikaapat na palapag ng Tropical Mansion Hotel na matatagpuan sa 1242 J. Bocobo Street sa Ermita, Maynila, na pinagtatrabahuhan ng kanyang ina na si Thelma Gaytano.

Naglilinis umano ang mag-ina sa ikaapat na palapag ng gusali nang magulat na lang si Thelma nang makitang tumalon ang anak sa bintana.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kaagad namang humingi ng tulong ang ginang sa guwardiya ng hotel na si Chruschev Palattao at isinugod sa nasabing ospital ang biktima ngunit patay na ito.

Napag-alaman na bago nagpakamatay ang biktima ay naospital pa ito mula Setyembre 24 hanggang Oktubre 11 dahil umano sa matinding stress sa pagkabigong makapasa sa board examination. (MARY ANN SANTIAGO)