Isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip ng militar nitong Martes ng umaga sa pagpapatuloy ng operasyon ng Philippine Army laban sa mga bandido sa Talipao, Sulu.

Batay sa report, tinutugis ng 41st Infantry Battalion ang isang grupo ng mga armado nang maaresto nila si Pauji Asgari at makumpiskahan ng isang M16 assault rifle, mga bala, mga kawad ng kuryente, combat pack, cell phone, duyan, motorsiklo at Marine Battle Dress Attire (BDA).

Sinabi ni Brig. Gen. Arnel dela Vega, commander ng Joint Task Force Sulu na naaresto si Asgari matapos itimbre ng mga residente sa lugar. (Francis T. Wakefield)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder