jodi-at-ian-kasama-ang-ilang-fans-copy

PANAY ang hiyawan ng mga tagasuporta nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion nang magkaroon sila ng show para sa kanilang fans kamakailan sa Glorietta 2 Activity Center na inihandog ng Jeepney TV at Cinema One sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls.

Sa pangunguna ng MOR 101.9 DJ na si DJ Jhai Ho, naging napakasaya ng pagtitipon ng JodIan supporters. Tuwang-tuwa ang mga ito na nakita sila nang personal at nakisaya sa kanila.

Hindi sila binigo nina Jodi at Ian na nagdala ng matinding kilig at ilang sorpresa na nagpadagundong sa buong activity center ng mall.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Unang nagsama sina Jodi at Ian sa hit Kapamilya serye na Pangako Sa ’Yo nang gampanan nila ang karakter nina Amor Powers at Eduardo Buenavista. Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa serye, nakatanggap ng nominasyon for best actress si Jodi sa 2016 International Emmy Awards.

Nagtambal na rin ang dalawa sa pelikula sa pinagbidahan nilang Star Cinema movie na All You Need is Pag-Ibig, na ipapalabas na sa Cinema One ngayong October 21.

Ngayong buwan ay napapanood din si Jodi, na siya ring Icon of the Month ng Jeepney TV, sa pagbabalik telebisyon ng hit Kapamilya serye na Be Careful with My Heart noong October 17.

Samantala, bukod sa kilig, napuno rin ng musika ang fans day sa paghandog ng The Voice Kids Season 3 finalist na si Justin Alva ng ilang awitin na nagpabilib sa mga manonood. Dumalo rin sa kasiyahan ang teen star na si Andrea Brillantes na pinukaw ang lahat sa kanyang performance.

Sa pagtatapos ng programa, lubos na nagpasalamat sina Jodi at Ian sa mainit na pagtanggap at pagmamahal ng mga manonood.

Balikan ang masasayang tagpo ng mga pinkapaboritong palabas sa Jeepney TV na mapapanood sa SkyCable channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (facebook.com/Jeepney TV). (Ador Saluta)