Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pag-aresto sa 16 na opisyal ng gobyerno at mga pulis sa lungsod na iniulat ng Manila Police District (MPD) na sangkot sa droga at itinuturing nilang high-value targets.

Ang kautusan ay ginawa ni Estrada kasunod ng pahayag ni MPD Director, P/Sr. Supt. Joel Coronel na may iniimbestigahan silang 16 na opisyal sa Manila City Hall, barangay, national government agencies, at Philippine National Police (PNP) na pinaghihinalaang sangkot sa droga.

“Kasuklam-suklam ang mga opisyal ng gobyerno at pulisya na sangkot sa droga. Masahol pa sila sa mga ordinaryong drug pushers dahil sumumpa silang ipatutupad ang batas at pagsilbihan ang taong-bayan,” ani Estrada.

Tiniyak ni Estrada kay Coronel na susuportahan niya ang MPD sa paghuli sa mga high-value target na ito.

Tugon ng Palasyo sa 'bloodbath impeachment' remark ni VP Sara: 'May pagkabayolente'

(Mary Ann Santiago)