Natagpuang patay ang babaeng diver na iniulat na nawala sa kalagitnaan ng scuba diving sa Mabini, Batangas nitong Linggo, sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Karen’.

Ayon kay Gordoz Gojunco, professional diver at isa sa namuno sa rescue team, natagpuan ang labi ni Agnes Maria San Pedro, 35, taga-Quezon City, sa ilalim ng karagatan sa lalim na 30 metro o mahigit 90 talampakan.

Nakakabit pa sa katawan ang air tank, natagpuan si San Pedro may 200 metro mula sa dalampasigan ng Mainit Diving School sa Barangay Mainit, Mabini.

Nabatid na sumasailalim ang biktima sa advanced diver course kasama ang instructor na si Greg Abella, 31, nang mapaulat na nawawala dakong 11:00 ng umaga. (Beth Camia at Lyka Manalo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder