Sasabak si Den de Castro ng Rancho Palos Verdes sa gaganaping Hong Kong Amateur at Mid-Amateur Championships simula ngayon.

Lalaban si De Castro, mainstay sa RPV ng Sta. Lucia circuit, sa Mid-Am tournament sa Clearwater Bay Golf Club.

Kakatawanin naman ni Korean Tom Kim ang liga sa amateur men’s division.

Nakuha nina De Castro at Kim ang karapatan na sumabak sa HK tournament matapos magkampeon sa Sta. Lucia Amateur Golf Tour at sa Tournament of Champions sa Beverly Place sa Pampanga.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Nagwagi si De Castro sa Davao leg bago nadomina ang Class A division ng TOC.

Nanguna naman si Kim sa Open class ng TOC.

Sa nakalipas na season, si Brian Kim, kinatawan ng Eagle Ridge, ang nagkampeon sa Mid-Amateur Category at tumapos sa ikalima sa HK Am Open.

Pangangasiwaan ang Sta. Lucia-Philippine contingent ni Vince Santos.

Isinasagawa ang five-leg Sta. Lucia tour sa pakikipagtulungan ng National Golf Association of the Philippines.