anne-erwan-copy

TINANONG si Anne Curtis nang mag-guest sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Huwebes kung naiirita na ba siya sa kapag palaging itinatanong ng madlang pipol at ng mga kaibigan ang tungkol sa pagpapakasal nila ng longtime boyfriend niyang si Erwan Heusaff, isang online personality at restaurant owner.

Pagkatapos kasi ng magkakasunod na pagpapakasal ng kanyang tatlong kaibigan na sina Georgina Wilson, Solenn Heusaff (kapatid ng boyfriend ni Anne) at Isabel Daza, halos hindi na tinatantanan sa katatanong si Anne kung kailan naman sila ikakasal ni Erwan.

“I’ve gotten used to it already especially this year na parang ang dami na talaga sa group of friends ko na, you know, tied the knot,” game namang sagot ni Anne.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Hindi talaga ako nabo-bother. In the beginning, parang ano ba, tama na, but then after a while, okay na, parang nasanay na lang din,” paliwanag ni Anne.

Sey pa niya, “Medyo mas career-driven at the moment but I know when the right time comes, it will happen.”

(ADOR SALUTA)