vilma_santos-copy

MARIING itinanggi ni Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang isyu na kasama raw ang pangalan niya sa listahan ng billionaires ng Forbes magazine.

May isyu kasing lumabas na sina Ate Vi at Sen. Manny Pacquiao lang ang napasama sa mga taga-showbiz sa nasabing listahan. Pero nang kontakin namin ang Star for All Seasons sa pamamagitan ng text message, pinabulaanan niya ang isyu.

“Not true!!!” reply agad ni Ate Vi.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ayon sa isang taong malapit kay Ate Vi, kahit totoo namang isa sa mga marunong mag-ipon ng mga kinikita kaya isa sa pinakamayaman sa showbiz, hindi pa rin naman daw sapat ‘yun para maihilera siya sa mga bilyonaryong sina Heny Sy, Enrique Razon, Andrew Tan, John Gokongwei at iba pang mga bilyonaryo sa bansa natin.

“I am living comfortably,” parating sagot ni Ate Vi kapag tinatanong kung gaano na siya kayaman.

Itinanggi rin ni Ate Vi na may Twitter account siya. May mga nakakapansin kasi na ang bilis-bilis niyang mag-react sa mga isyu.

“No, not me. Wala akong Twitter account,” sey pa niya.

Samantala, nabanggit ni Judy Ann Santos sa isang interview na isa sa mga pinapangarap nito ang pelikulang pagsasamahan nila ng Star for All Seasons.

“Dream ko rin namang makasama si Judy Ann,” reaksiyon ni Ate Vi. “Ilang beses na rin namang nakaplano ‘yan. Pero hindi natutuloy. Sana someday, eh, matuloy na,” banggit pa ng Star for All Seasons. (JIMI ESCALA)