HANOI, Vietnam (AP) – Dalawampu’t apat katao ang namatay sa baha na bunsod ng malakas na ulan at apat pa ang nawawala sa central Vietnam habang paparating ang bagyong Sarika kahapon matapos salantain ang Pilipinas.

Sa pinakamatinding tinamaan na probinsiya ng Quang Binh, 18 katao ang namatay at tatlo ang nawawala, ayon kay disaster official Tran Le Dang Hung.

Umabot sa hanggang tatlong talampakang ulan ang bumuhos sa lalawigan noong Biyernes at Sabado at nalubog ang sa baha 125,000 kabahayan, naantala ang biyahe sa North-South Highway at nasira ang mga imprastraktura, pananim, at mga palaisdaan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'