CHICAGO (AP) – Nadagdagan ng lakas at lalim ang backcourt ng Chicago Bulls nang makuha ang serbisyo ni 2014 Rookie of the Year Michael Carter-Williams mula sa Milwaukee Bucks kapalit ni backup wingman Tony Snell.

Ayon sa ulat nina Zach Lowe, Marc Stein at Jeff Goodman sa ESPN, sinabihan ng team official si Carter-Williams sa naturang trade nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Sinabi naman ng BlogaBull.com, na pormal na ipahahayag ng Bulls ang desisyon sa pagbubukas ng opisina sa Lunes (Martes sa Manila).

Mas kinailangan ng Bucks ang malaking player matapos ma-injured si starter Khris Middleton. Nakikipag-usap din ang koponan sa Houston Rockets para makuha ang serbisyo ni Michael Beasley.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Magsisilbing pamalit si Carter-Williams sa beternong si Rajon Rondo sa point guard position.