Hindi inakala ng isang lalaki na magdudulot ng trahedya sa kanya ang paghahanap niya ng makakain matapos siyang saksakin ng nakasalubong niyang kapitbahay sa San Andres Bukid, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inoobserbahan pa sa pagamutan si Ranny Boy Jocson, 24, ng Tenorio Street, San Andres Bukid, dahil sa tinamong saksak sa kaliwang tagiliran.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Totoy”, nasa hustong gulang at residente rin ng Tenorio Street.

Ayon kay Supt. Robert Domingo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 6, nabatid na dakong 12:00 ng umaga at naglalakad si Jocson sa Tenorio Street kasama ang tiyuhing si Michael Jocson at pinsang si Richard Navales para maghanap ng makakain.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakasalubong nila si Totoy at sa hindi pa malamang dahilan ay lumapit ito kay Ranny Boy at kinumpronta ito hanggang magtalo ang dalawa, pero inawat sila ni Michael at inilayo ang pamangkin sa suspek.

Gayunman, sinundan sila ng suspek na armado na ng patalim at sinaksak ang biktima bago tumakas. (Mary Ann Santiago0