BATANGAS CITY - Wala pang kalahating oras ang nakalipas matapos makalaya sa bisa ng piyansa, namatay ang isang akusado at kanyang asawa makaraan silang pagbabarilin sa Batangas City, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:45 ng gabi at naghihintay ng masasakyang jeep ang mag-asawang sina Edward Garcia, 37; at Petronila Garcia, kapwa taga-Barangay 24, sa Bgy. San Jose Sico nang pagbabarilin sila.

Nasa drug watchlist ng Batangas City Police, katatapos lang magpiyansa ni Edward at kalalabas lang sa Batangas City District Jail para sa mga kasong theft, pag-iingat ng patalim at paglabag sa Omnibus Election Code, nang mangyari ang krimen. (Lyka Manalo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder