janet-copy

KINUMPIRMA na ni Janet Jackson ang kanyang pagdadalantao sa edad na 50.

Ipinakita ng star ang kanyang baby bump sa isang litrato nitong nakaraang Miyerkules, na nakangiti sa kanyang puting damit habang nakahawak sa kanyang tiyan.

Sinabi niya sa People, na “We thank God for our blessing.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Noong Abril, sinabi ni Jackson na kakansalehin muna niya ang kanyang Unbreakable world tour sa susunod na buwan para pagtuunan ng pansin ang kanyang mga plano para sa pamilya nila ng kanyang asawang si Wissam Al Mana.

Simula noon ay naging tahimik na si Janet ngunit kamakailan ay namataan siya na nagsa-shopping ng mga gamit para sa sanggol sa London furniture store. (AP)