BONGABON, Nueva Ecija - Hindi sukat akalain ng isang hinihinalang carnapper na masisita siya sa checkpoint sa Barangay Tugatog sa bayang ito, nitong Huwebes ng madaling araw.

Pinara ng anti-carnapping operations team si Jonald Tumibay y Lopez, 29, binata, ng Bgy. San Josef Sur, Cabanatuan City, at kinompronta dahil walang suot na helmet, ngunit kalaunan ay wala rin umano siyang maipakitang dokumento sa sinasakyan niyang motorsiklo kaya inaresto siya.

Napag-alaman sa record ng Highway Patrol Group (HPG) ng pulisya na ang motorsiklong gamit ni Tumibay ay iniulat na tinangay sa tapat ng bahay ng isang Edwin Tumibay y Esmundo sa Bgy. San Josef Sur dakong 11:00 ng gabi nitong Miyerkules. (Light A. Nolasco)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder