sharon-copy-copy

MEDYO nagkagulatan sina Sharon Cuneta at Alden Richards nang magkasabay silang kumain sa isang restaurant noong Tuesday evening. Nakita namin sa video na kumakain na si Alden kasama ang kanyang stylist group, after a photo shoot for a new TVC ng isang product na ini-endorse niya, at nasa gawing itaas naman ang grupo ni Mega.

Kahit sikat na artista, masaya at excited si Sharon nang makaharap at makakilala ang Pambansang Bae.

“Sa wakas, nagkakilala na rin kami ni Alden, si Maine (Mendoza) na lang ang hindi ko nami-meet,” malinaw na sabi ni Sharon on video.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kitang-kita naman si Alden na pinunasan pa ang kamay bago marespetong nakipagkamay kay Sharon.

Sayang at wala nang ibang shot sa video, kasi medyo malabo ang nakuha naming screen capture.

Matatandaang a few weeks ago, kinuhang judge sa “Music Hero” segment ng Eat Bulaga ang eldest daughter nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon. Mahusay tumugtog ng gitara si Frankie at nakuha rin niya ang magandang boses ng ina, kaya siya mismo ang tumugtog ng gitara nang kantahin niya ang Kung Maputi Na Ang Buhok Ko, isa sa top hits ni Sharon noong nagsisimula pa lamang siyang mag-recording.

Nag-post din si Frankie ng picture nila ni Alden na kasama rin niyang judge sa “Music Hero.” Noon din lang niya nakilala si Alden.

Kuwento pa ni Sharon, dapat daw ay sasamahan niya si Frankie sa Eat Bulaga pero nagkataong may taping siya para sa The Voice Kids kaya hindi siya natuloy. Ang younger sister ni Frankie na si Miel ang sumama sa EB.

Anyway, sa Saturday na, October 15, ang first night ng concerts ni Sharon sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino.

Hudyat na ito ng muling pagbabalik ng megastar sa concert scene na matagal-tagal din niyang hindi nagawa rito sa atin. Expected nang kakantahin ni Sharon ang mga paborito niyang songs na Mr. DJ, Bituing Walang Ningning, Sana’y Wala Nang Wakas, Pangako Sa ‘Yo, Maging Sino Ka Man sa kanyang repertoire.

Magiging hudyat din ito ng pagpasok ni Frankie sa concert scene dahil siya ng special guest ni Sharon. Ima-manage na ni Sharon at ng kanyang talent agency si Frankie. Kaya expected na ang duets ng mag-ina. Si Louie Ocampo ang musical director at si Paolo Valenciano naman ang direktor ng concert. Magkakaroon ito ng second night sa October 22.

(Nora Calderon)