piolo-at-maja-copy

WALANG relasyon sina Piolo Pascual at Maja Salvador, pero sweet sila tuwing magkasama, kaya pinaghihinalaan tuloy na magdyowa.

May fans nga sina Piolo at KC Concepcion na nagseselos kay Maja, pero magkaibigan lang talaga ang dalawa, kaya ‘wag nang gawan ng isyu.

Pero tiyak na hindi mapipigilan ang ibang fans na gawan ng isyu ang reaction ni Piolo sa ipinost ni Maja na picture nito sa Instagram (IG) na naka-two-piece swimsuit. Kahit “woot woot” lang ang ipinost ni Piolo, na ibig sabihin ay naseseksihan siya, siguradong may mga magre-react pa rin, hintayin lang natin.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Samantala, marami ang matutuwa kung darating si Maja sa Sun Piology Run: Sugar Wars na pangungunahan ni Piolo sa tulong ng Sun Life. Gagawin ang fun run sa November 19, 3-9 PM, sa Camp Aguinaldo Parade Grounds. Sina Gerald Anderson, Xian Lim, Ejay Falcon at Jessy Mendiola pa lang ang nabanggit ni Piolo na sasama sa kanya pagtakbo. Mas masaya siyempre kung makikitakbo rin si Maja.

“I want to invite everyone to register for Sugar Wars. It’s a race against diabetes, a chance to help rause funds for our beneficiaries, and a great way to spend time with your Star Magic family,” sabi ni Piolo.

Ang Institute for Studies on Diabetes Foundation Inc. (ISDFI), Lingkod Kapamilya, Noordhoff Craniofacial Foundation Inc., Star Magic Scholars at Hebreo Foundation na itinatag ni Piolo ang beneficiaries sa 2016 Sun Piology Run:Sugar Wars. (NITZ MIRALLES)