vin-aljur-at-allen-copy

HINDI namin alam kung maaawa o maiirita kami sa kapatid nina Aljur at Vin Abrenica na si Allen nang mag-audition sa Pinoy Boyband Superstar (PBS) lalo na nang sabihing, ‘Huminto po ako ng pag-aaral kasi pakiramdam ko, ito ang calling ko (mag showbiz).’

Nanghinayang ang mga hurado ng PBBS na sina Aga Muhlach, Yeng Constanino, Sandara Park at Vice Ganda sa nalamang paghinto niya sa pag-aaral.

Tinanong si Allen ni Vice kung ano ang katangian niya na lamang niya sa mga kuya niya.

Human-Interest

'Sailor Moon' ng Lapu-Lapu City natuli na, may ₱10k pa!

“Ang passion ko for music,” sagot niya.

Sinabi rin ni Allen sa girls/live audience na, “Girls, alam kong pinakilig na kayo nina Aljur at Vin, pero sisiguraduhin ko sa inyo, ako ang mamahalin n’yo.”

Kaya expected ng apat na hurado at maging ang viewers ng show na maganda ang boses at magaling kumanta si Allen.

Susme, Bossing DMB, hindi namin alam kung saan papunta ang kanyang paliku-likong tono nang awitin niya ang ‘Wag Na Lang Kaya ng True Faith, dahil siguro sa nerbiyos at higit sa lahat, puro hangin pa.

‘Kaloka itong si Allen, hindi muna nag-voice lesson bago humarap sa mga hurado. Hayun, nasabihan tuloy siya ni Vice ng, “Sabe? ‘Wag na lang kaya?”

Sabi naman ni Dara, “Sweet ang boses mo, pero magpraktis ka pa.”

Si Yeng, “Nu’ng sinabi mong passion mo ang music, medyo nagtaas ako ng expectation, vocally, andoon ka lang, eh, kailangan pa siyang iangat.”

Ginawa namang ehemplo ni Aga ang sarili sa sinabing, “Ang ibig nilang sabihin ay kailangang tapatan mo akong kumanta o lampasan mo.”

Sa madaling sabi, four no’s ang boto ng mga hurado kay Allen at pinayuhan pang bumalik na lang sa pag-aaral dahil ‘yung iba ay gustung-gustong mag-aral, walang pampaaral samantalang siya ay mayroon, pero huminto.

Iyon din ang maipapayo namin kay Allen, mag-aral na lang muna dahil baka hindi sa showbiz ang calling niya, baka sa negosyo o tulungan na lang niyang mag-manage ang papa niya ng kanilang business. Pero kung pursigido siya sa kanyang passion sa music, puwede namang mag-voice lesson muna hanggang sa mahasa nang husto.

Kasi sina Aljur at Vin, pasensiya na, pero wala pa naman silang napapatunayan sa showbiz, eh, dadagdag pa ba si Allen? Ano na mangyayari, Bossing DMB?

(Bakit nadamay na naman ako rito, Reggee? Good boy na ako. –DMB) (Reggee Bonoan)